Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kinumpirma na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
ang pagkakatalaga sa bagong Department Head ng Provincial Social Welfare &
Development Office.
Sa ginanap na SP 9th Regular Session nitong
myerkules.
Kinumpirma ng mga myembro konseho ang letter
request ni Gov. Florencio Miraflores sa pagtatalaga kay Evangelina Gallega
bilang bagong Provincial Government Department Head ng ahensya.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Gallega na sa
ilalim ng kanyang pamamahala ay plano nya ngayong paigtingin pa ang mga
programa at serbisyo ng ahensya lalong lalo na ang sa Child Protection and
Protection among women.
Ito’y upang mabigyang diin narin umano ang kanilang
mga karapatan at patuloy na maipatupad ang mga programa katulad ng mga skills
training at personality development.
Samantala, nagpapasalamat naman si Gallega sa tiwalang
ibinigay sa kanyang kakayahan ng Aklan Provincial Government na pamunuan ang
nasabing ahensya.
Umupo si Gallega noong March 4, 2014 at kinumpirma
naman sa posisyon nitong March 12, 2014.
No comments:
Post a Comment