Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sapat pa umano ang suplay ng manok at baboy sa probinsya
ng Aklan ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Department of Agriculture Monitoring
Administration Moises Inamac, hindi naman kukulangin ang manok at baboy lalo na
sa pagsapit ng kapaskuhan at bagong taon.
Marami pa umano ang suplay ng mga ito at inaasahang aabot
pa hanggang sa pagdiriwang ng kapistahan ni Sr. Sto. NiƱo o Ati-Atihan sa bayan
ng Kalibo.
Tiwala naman ang Department of Trade and Industry (DTI)
na bababa ang presyo ng manok sa pagsapit ng holiday season.
Pero ayon kay Inamac, may mga supplier na hindi
naiiwasang magtaas ng presyo kapag papasok na ang kapaskuhan, dahil sa marami
umanong mga kunsumer ang nakakatanggap ng kanilang bonus tuwing Disyembre.
Sa kabilang banda sinabi pa nito na wala namang gaanong
naging epekto ang bagyong Yolanda sa mga poultry suppliers.
Inaasahan namang magkakaroon ng pagpupulong ang DTI at
ang DA kasama ang mga poultry producers, supermarkets at wet vendors’ market
association upang siguraduhing nasa tama ang presyo ng mga karne.
No comments:
Post a Comment