YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 27, 2013

2014 Annual Budget para sa probinsya ng Aklan aprobado na

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aprobado na ang 2014 Annual Budget para sa probinsya ng Aklan.

Sa ginanap na 19th regular session ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan kaninang umaga.

Nabatid na tatapusin nalang sa SP 21st regular session o sa darating na ikalawang Miyerkules ng Disyembre ang pagsasapinal ng report para sa 1.1 bilyon pesong pondo para sa probinsya sa susunod na taon.

Prayoridad ng lokal na pamahalaan para sa 2014 annual budget ang mga serbisyong pampubliko, pagbubukas ng mas maraming trabaho, mas maayos na edukasyon at pagpapabuti ng healthcare services.

Ang pondo para sa 2014, na inaprubahan ng konseho, ay mas mataas ng 200 million kumpara sa nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment