Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) Aklan na wala silang ibinibigay na relief goods na may
damaged.
Ito ay sa kabila ng kumakalat na balitang may mga
natatanggap na bigas ang mga residenteng naapektuhan ng bagyo na inaamag na.
Ayon sa DSWD Aklan, nagmumula pa ang mga relief goods na ito
sa kanilang Regional Office sa probinsya ng Iloilo.
Hindi naman umano nila nakitaang may sira o amag ang mga
bigas na kanilang ibinibigay sa mga residente sa probinsya.
Tiniyak din ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD) na bago nila ipamahagi ang mga relief goods ay sinusuri nila itong
mabuti para sa kaligtasan ng mga bibigyan nila.
Kung totoo man umano ang mga balitang kumakalat ngayon kaugnay
sa mga nasabing relief good, ay hindi ito diriktang nagmula sa kanila.
No comments:
Post a Comment