YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 26, 2013

DOT, nangangamba sa patuloy na pagsusunog ng mga basura sa Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nangangamba ang Department of Tourism (DOT) Boracay sa patuloy na pagsusunog ng mga mga basura sa isla.

Ayon kay DOT Boracay officer In-charge Tim Ticar, nakakasama umano ang epekto nito sa tao lalo na sa mga turistang nagbabakasyon sa Boracay at maging sa kalikasan.

Dagdag pa ni Ticar may ordinansa naman ang LGU Malay tungkol dito pero may mga tao parin umanong mga pasaway na hindi sinusunod ang nasabing batas.

Ikinababahala naman ng DOT na kung magpapatuloy pa ang ganitong gawain ay maaaring maka-apekto ito sa turismo ng Boracay.

Ipinapaabot naman nito sa Environmental officer at sa mga kinauukulan sa Boracay na kung maaari ay maaksyunan na ang nasabing problema habang ito’y maaga pa.

No comments:

Post a Comment