Ni Jay-ar M. Arante, YES FM, Boracay
Hindi parin umano nakakabalik sa normal ang klase sa
ibat-ibang paaralan sa Aklan matapos manalasa ang bagyong Yolanda.
Ayon kay Deped Aklan Division Disaster Risk Reduction
Management Coordinator Jessie Y. Gerardo, matindi ang naging pinsala ni Yolanda sa probinsya kung saan
halos lahat umano ng mga paaralan ay apektado nito.
Dahil dito napagkasunduan muna ng DepEd na magkaroon ng shifting
sa pag-kaklase sa mga bata para may magamit na silid-aralan ang ibang mag-aaral.
Base sa isinagawang report ni Gerardo karamihan sa mga
nasira ay ang mga bubong ng paaralan kung saan natumbahan din ito ng mga punong
kahoy at nasira ang mga gamit dulot ng ulan at malakas na hangin.
Bukod naman sa mga apektadong paaralan, apektado rin ngayon
ang mga mag-aaral dala ng pagkasira ng kanilang mga bahay.
Samantala, gumagawa na ngayon ng hakbang ang Department of
Education (DepEd) para maipaayos ang mga nasirang paaralan.
No comments:
Post a Comment