YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 27, 2013

“Father Nonoy” Crisostomo ng HRP Boracay, ipinaalala ang makahulugang pagdiriwang ng Christmas Party

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang makahulugang pagdiriwang ang ipinaalala ngayon ng simbahang Katoliko sa Boracay.

Ito’y may kaugnayan sa inaasahang kaliwa’t-kanang selebrasyon ng Christmas party sa susunod na buwan.

Ayon  kay Team Ministry moderator “Father Nonoy” Crisostomo ng Boracay Holy Rosary Parish.

Maiiba ang pagdiriwang ng Christmas Party ngayong taon, dahil sa sinapit nating mga Pilipino sa nagdaang Super Typhoon Yolanda.

Magkaganon paman, nilinaw nito na hindi nangangahulugang hindi na tayo magsasaya sa ating Christmas Party, kungdi ang isaisip ang pakiisa sa ating mga kababayang labis na naapektuhan ng nasabing bagyo.

Kaugnay nito, sinabi ni Crisostomo, na maaaring magbigay ng tulong sa mga nasabing biktima ng bagyo, upang maipadama din sa kanila ang diwa ng kapaskuhan.

Samantala, nagpaalala naman si Crisostomo sa mga empleyado sa isla na naging biktima ng bagyo, na magpasalamat sa Diyos kasabay ng kanilang pagdiriwang ng Christmas party. 

No comments:

Post a Comment