YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 26, 2013

Mga pulis sa Boracay, walang pang-planong dagdagan ayon sa BTAC

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Wala pa umanong planong dagdagan ngayon ang mga kapulisan sa isla ng Boracay para sa pagpasok ng holiday season.
Ayon kay Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Fidel Gentallan.

Sapat pa naman umano ang isang daan at labin limang pulis na naka diploy sa ibat-ibang lugar sa Boracay.

Kinakailangan lang din aniya ng maayos na deployment coordination at manpower para mas mapaigting ang siguridad sa Boracay lalo na at pumasok na rin ang peak season.

Siniguro rin ni Gentallan na tututukan nila ang kanilang gagawing operasyon sa Boracay para sa kaligtasan ng mga turista.

Dagdag pa nito, kung sakaling kakailanganin man ang mga dagdag na pulis sa Boracay ito ay dadaan pa sa Regional office ng PNP at Aklan Provincial Police (APPO).

Patuloy naman ang ginagawang pagroronda ng mga taga Boracay PNP gabi-gabi sa isla, lalo na sa area ng front beach.

No comments:

Post a Comment