Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay
May ipinasa nang ordinansa para sa mga fire dancers.
Ito ang kinumpirma ni Malay SB Member Frolibar Bautista,
kaugnay sa pagre-regulate ng mga itinuturing na tourist entertainers sa isla ng
Boracay.
Ngunit nilinaw ni Bautista na hindi lamang para sa mga
fire dancers ang kanyang ipinasang ordinansa, kundi pati na rin sa mismong mga
establisyementong nag-o-operate ng naturang entertainment.
Ang ordinansa umanong ito ay naglalayong ma-regulate ang
mga fire dancers, dahil kaakibat aniya ng ordinansang ito ay ang mga
regulasyong dapat sundin at ipatupad.
Ayon kay Bautista, may nakalaang lugar o area lamang kung
saan pwede silang magperform katulad sa vegetation area.
Kung kaya’t kanyang paalala sa mga fire dancers na
iwasang mag-perform sa beach line at pathways na makaka-distract sa mga dumadaang
turista.
Kung sakali man aniyang sa beach area magperform, ay
dapat may platform, dahil iniiwasan ding maapektuhan ng gas na kanilang ginagamit
ang maputing buhangin ng isla.
Nilinaw naman ni Bautista na hindi tinatanggalan ng
trabaho ang mga nasabing fire dancers, sa halip ay tinutulungan para
ma-organized ang kanilang trabaho.
No comments:
Post a Comment