YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 27, 2013

Mga nanalong kandidato sa Brgy. Yapak nakatakdang manumpa bukas

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Manunumpa na para sa pwesto bukas ang mga nanalong kandidato sa Brgy. Yapak, Boracay.

Ayon kay Brgy. Kagawad Elect Redentor Apolonio, nakatakda ang kanilang panunumpa sa harap ni Malay Mayor John Yap, alas nyebe ng umaga bukas sa Malay Municipal Hall.

Samantala, ngayon naman umano mag-susubmit ng kanilang Sworn Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) ang mga nanalong kandidato sa nasabing barangay.

Nabatid na mamayang alas singko ng hapon ang deadline para sa pag-submit ng SOCE, kung saan ang mga nakapag-submit nito ay nakatakda namang umupo sa unang araw ng Disyembre.

Ang mga kandidatong manunumpa bukas ay sina Yapak Barangay Captain Hector Casidsid, at Redentor Apolonio, Marlyn Villaresis, Gilda SacapaƱo, Lenny Delos Reyes, Jay Villanueva, Anita Solano at Tito Arcibal para naman sa pagka-kagawad.

No comments:

Post a Comment