Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Mahigit dalawang bilyong piso na ang kabuuang
pinsala ng bagyong Yolanda sa probinsya ng Aklan, samantala 13 naman rito ang
naitalang patay.
Ito ang kinumpirma ng Provincial Disaster Risk
Reduction and Management Council (PDRRMC) ngayong hapon.
Kaugnay nito, puspusan na umano ang pagsasagawa ng
Recovery and Rehabilitation Plan ng PDRRMC para sa mga nasalanta ng bagyo.
Ayon kay PDRRMC Staff Jayfree Jizmundo, nagkakaroon ngayon ng mga pagpupulong ang lokal na
pamahalaan at mga international organizations para sa mga magiging hakbang ng
nasabing plano.
Target umano ng ahensya na maisagawa ang recovery
and rehabilitation plan sa darating na November 28, 2013, kung saan 17 na mga
bayan sa lalawigan ng Aklan na naapektuhan ng bagyo ang mabibigyan ng tulong.
Samantala, nagpapasalamat naman ang PDRRMC sa
United Nations (UN) at sa mga patuloy na nagbibigay ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy parin umano ang ginagawa
nilang relief operation para sa mga biktima sa buong lalawigan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment