Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Base sa ipinadalang community advisory ng LGU
Malay.
Mahigpit nang ipapatupad ng munisipyo ang Municipal
Ordinance No. 183 Series of 2003 at ang Municipal Ordinance No. 132 Series of
2000.
Nakasaad sa mga nasabing ordinansa na
pahihintulutan lamang ang paglalagay ng mga mesa at upuan sa beach front area,
mula alas singko ng hapon hanggang alas sais ng umaga kinabukasan.
Maliban sa mga mesa at upuan, iistrituhan din ang
paglalagay ng anumang equipments, furnitures, at ang pagkakabit o paglalagay
doon ang anumang kagamitan.
Kaugnay nito, nanawagan naman ng kooperasyon mula
sa mga establishment owners ang LGU Malay upang muling i-market ang turismo ng
Boracay, matapos itong maapektuhan ng mga balita tungkol sa bagyong Yolanda, at
maging ng mga nangyaring lindol sa Bohol at Cebu.
No comments:
Post a Comment