Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Maaaring magtaas ng singil sa kuryente ang Aklan Electric
Cooperative o AKELCO sa mga susunod na buwan.
Ito’y kapag hindi pa rin agad natapos ng NGCP ang
pagsasaayos ng kanilang mga transmission lines na nasira dulot ng bagyong
Yolanda.
Kapag nagkaganon, magpapatuloy lamang ang AKELCO sa pagkuha
ng kuryente sa GBPC o Global Business Power Corporation na isa namang Diesel
Power Plant sa Nabas, Aklan, at kasalukuyang nagsusuplay ng kuryente sa Malay
at Boracay.
Samantala, base naman sa advisory ng AKELCO, Maaaring aabot
sa trese otsenta’y siyete pesos per kilowatt hour ang kanilang singil sa
kuryente, dahil ang GBPC power plant ay gumagamit ng krudo.
Kaugnay nito, hinikaya’t ng AKELCO ang lahat ng member
consumer nito na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Nabatid na ang AKELCO ay kumukuha ng suplay ng kuryente mula
sa iba’t-ibang power suppliers.
No comments:
Post a Comment