Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Matapos ang magandang epekto ng pagpapatupad
ng 25+5 easement ng Boracay Redevelopment Task Force sa isla, simula ngayong Disyembre
ay tututukan naman nila ang mga regulasyon sa vegetation area.
Bagamat pinapayagan ang paglatag
ng mga upuan at mesa simula alas-singko ng hapon hanggang alas-sais ng susunod
na araw, ipagbabawal naman ang paglatag ng mga sumusunod sa vegetation area
kagaya ng buffet table, cooking station, portable bar, grilling machines at mga
beach umbrellas.
Ayon sa Municipal Ordinace No.
183, S. 2003, ang mga lalabag ay magmumulta ng P2, 500, pagkakulong ng hindi
lalagpas ng labing limang araw, at pag-kumpiska ng mga gamit o straktura na
ipinagbabawal.
Dagdag pa ng task force, isang
prebilehiyo ang pag-gamit ng vegetation area rason na hindi ito dapat
paglatagan ng anumang paninda ng isang establisemyento at sa halip ay mesa at
upuan lamang.
Ang pagpaigting ng ordinansa ay
naglalayon umanong mapangalagaan ang puting buhangin sa beachfront at para sa
patuloy na paglago ng industriya ng turismo sa isla.
may regulasyon ba sa oras ng paglatag ng beachbed?
ReplyDeletekasama ba ang hennan group sa batas na ito? boracay regency at iba pang kompanya ng chairman ng BFI ay tila "above the law" sa mga ganitong ordinansa diba? number 1 da best sila sa ganun! hahaha
ReplyDelete