Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Patuloy sa pag-monitor ang Bureau of Fire Protection
(BFP) Boracay para maiwasan ang sunog sa isla.
Ito ay may kaugnayan parin sa patuloy na rotating brown
out sa Boracay, kung saan karamihan sa mga residente ay gumagamit ng kandila at
mga tradisyonal na pailaw.
Ayon kay FO1 Joseph Buriel ng Boracay Fire Department, patuloy
parin umano nila ngayong ikinakasa ang awareness sa publiko sa paraan ng
pagbibigay paalala sa mga ito ng mga dapat at hindi dapat gawin para makaiwas
sa sunog.
Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang BFP Boracay na mag-ingat
sa paggamit ng mga kandila at kung maaari umano ay ilayo sa mga kurtina at
huwag hayaang nakapatong lamang sa lamesa.
Ito ang kalimitang paalala umano nila sa mga pamayanan na
gumagamit ng kandila lalo na ngayong hindi pa lubos na bumabalik sa normal ang
supply ng kuryente sa isla.
Aniya, ang nakasinding kandila kapag natumba sa mga light
materials, at inihipan ng hangin ay siyang madalas na pinagmumulan ng sunog.
No comments:
Post a Comment