Ni Mackie
Pajarillo, Yes FM Boracay
“Sa ngayon
tanging pagtatanim ng mga punong-kahoy ang nakikitang solusyon upang maiwasan
ang climate change”.
Ito ang
sinabi ni CENRO Boracay Officer Norman Dy, ukol sa pagkabahala ng publiko sa
isla.
Base kasi
sa kanilang personal assessment maraming mga patay na puno ang nalagas sa
paghagupit ng bagyong Yolanda kamakailan lang.
Ngunit
ayon kay Dy, pinasiguro naman ng gobyerno na sila sa ahensya ay nagtatanim ng mga puno para maiwasan nga ang
climate change.
Pero
ipinakiusap nito sa publiko na sana ay tumulong din sila sa pagtatanim ng mga
puno dito sa isla kung hindi man ay sumali na lang sila sa mga aktibidad na
ino-organisa ng nasabing ahensya ng gobyerno.
Dagdag pa
ni Dy, bukàs ang kanilang opisina sa mga nais humingi ng mga seedlings upang
ito ay maitanim at ito ay hindi ipinagbibili.
Samantala
ang pagtanim daw ng puno ay depende sa lugar, kahit pa daw na madaling tumubo
ang puno kung hindi naman ito angkop o suitable sa isang lugar ay mamatay at
mamatay pa rin ito.
Kaya nga
naman isinama na rin ng mga taga CENRO ang assessment na ito nang sa ganon ay
kung bago man itanim ang puno sa isang lugar ay kanila muna itong titingnan
kung angkop ba sa lugar o hindi upang matiyak na ito ay mabubuhay.
No comments:
Post a Comment