Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa pangangalaga na ng Malay Agriculture Office (MAO) ang sugatang
pawikan na natagpuan sa station 1 Boracay kaninang umaga.
Ayon kay Coastguard Boracay Sub-station Commander Chief Petty Officer
Arnel Sulla, bandang alas 10:30 kanina ng matagpuan ng isang pump boat
operator ang nasabing pawikan na palutang-lutang malapit sa dalampasigan at sugatan
ang kaliwang palikpik.
Agad naman umanong humingi ng tulong ang operator sa Malay
Auxiliary Police (MAP) para dalhin ito sa ligtas na lugar.
Ipinagbigay alam din ng MAP sa Red Cross-Lifeguard at Municipal
Agriculture’s Office ang insidente para sa karampatang disposisyon ng nasabing
hayop.
Basi naman sa pag-iimbistiga ng bantay dagat hindi naman
kinakitaan ng pagmamaltrato ng mga mangingisda ang species.
Dagdag pa ni Sulia, maaari umanong nahagip lang ito ng mga
bangka at mga sasakyan pandagat malapit sa isla ng Boracay kung kaya’t nagkaroon
ng sugat ang palikpik nito, at napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat.
Nabatid na patuloy paring ginagamot at minomonitor ng MAO ang
kalagayan ng naturang pawikan.
No comments:
Post a Comment