Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nagpalabas ng advisory para sa
mga turistang maaaring ma-stranded dahil sa bagyong Yolanda ang DOT 6.
Base sa advisory ng Department of
Tourism Region 6, nakatanggap ng advisory ang DOT 6–
Boracay Sub-Office, lahat ng Western Visayas Tourism Officers, mga sea crafts, vessels
at passenger ships, accommodation establishments at iba pang ahensya.
Ito’y may kaugnay sa panawagan ng
DOT na i-report sa kanila ang mga stranded foreign and domestic tourists na
maaaring mangailangan ng tulong sanhi ng pagpapakansela ng mga sea transport.
Nanawagan din ang DOT na
kanselahin ang mga island hopping activities hangga’t walang abiso mula sa
Philippine Coastguard.
Samantala, nakipag-ugnayan at
nakipagtulungan naman ang DOT 6– Boracay Sub-Office sa iba’t-ibang ahensya para
sa mga daan-daang na-stranded na pasahero sa Cagban Port kaninang umaga.
No comments:
Post a Comment