Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Sinimulan na ang pagbaklas ng mga
temporaryong straktura sa vegetation area na hindi pa nag-comply matapos na
suyurin ito ng mga taga Redevelopment Task Force kahapon.
Unang sinampolan ang malawak na tent
area ng Sand Bar sa Station1 Balabag at ang katabi nitong Bamboo Lounge na sinasabing pagmamay-ari
ni Mark Singson.
Ayon sa task force , ang kinontratang
construction firm ang siyang nagbaklas alinsunod sa animnapung araw na palugit
na kung saan nagtapo
s nitong katapusan ng Oktubre.
Ayon kay Boracay Redevelopment Task Force Chairman Glenn SacapaƱo, sapat na di-umano ang 60 araw para tumalima
sa itinakdang panahon at ginawa lang umano nila ang nararapat para hindi maging
unfair sa mga nauna ng nag-comply.
Bagamat wala namang paghadlang na
nangyari sa panig ng Sand Bar, inaasahan naman nito na maaayos ang kanilang
problema dahil nasa korte na umano ang nabanggit na usapin.
Inaasahan naman na magsusunuran na rin
ang hindi pa nagbaklas ng kanilang mga temporaryong istraktura sa Boracay
pagkatapos ng isinagawang operasyon sa 25+5 easement ng Redevelopment Task
Force.
No comments:
Post a Comment