Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bagamat medyo matagal pa bago sumapit ang pasko ay
sinimulan nang inilunsad kahapon ng DTI ang “Oplan pasko” sa bansa.
Ayon kay Aklan DTI Development Specialist Rene Retiro, nag-umpisa
na silang mag-monitor ng mga Christmas lights at noche Buena products sa ilang
pangunahing pamilihan sa Aklan.
Aniya, wala pa namang pagtaas ng mga presyo ng mga
pangunahing bilihin para sa nalalapit na pasko sa buwan ng Desyembre.
Magkaganon paman nagpalabas ng 'suggested retail price'
ang DTI para kontrolin ang presyo ng mga pagkaing pang-Noche Buena.
Pinaalalahanan din ng Department of Trade and Industry ang
mga bibili ng Christmas lights na tingnang mabuti kung ito may holographic
stickers o (icc) na nagpapakita na ito ay ligtas gamitin.
Nabatid na bawat taon ay inaaral na baguhin ng DTI ang
nasabing sticker para ito ay hindi magaya at mahirap kopyahin ng mga
manlolokong manufacturer.
Dagdag pa ni Retiro na sa unang Linggo ng buwan ng Disyembre
ay asahan umanong mag-momonitor din sila sa isla ng Boracay ng mga produkto at
pagkain na may kaugnayan sa pasko.
Samantala, maaari namang maharap sa anumang parusa ng DTI
ang mga magtataas ng sobra-sobrang presyo ng kanilang mga itinitinda.
No comments:
Post a Comment