Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay
“Wala namang
pinagkaiba ang undas ngayon kumpara sa mga nakaraang taon”
Ito ang naging pahayag ni Boracay Holy Rosary Parish team
mediator Rev.Fr Arnaldo Crisostomo kaugnay sa kakatapos lamang na paggunita sa
araw ng mga patay.
Napansin umano kasi nito na mas dagsa ang mga bisita kung
ikukumpara noong nakaraang taon, ngunit mas kakaunti naman ang mga nagsipagdalaw
sa sementeryo na mga lokal na residente dito sa isla.
Ayon pa kay Crisostomo, wala naman siyang narinig na
anumang kaguluhan sa pagdiriwang ng undas ngayong taon, at kung meron man umano
ay hindi ganoon kalala ang sitwasyon.
Masaya siya dahil pagdating sa peace and order situation
ay napanatili ang mga ito ngayong taon dito sa isla.
Samantala nabanggit din ni Father Crisostomo na sana ang
pagdiriwang na ito kasama ang mga minamahal nating pumanaw ay ang pagdiriwang
ng pagkakaisa bilang isang sambayanang Pilipino.
Nang sa ganoon kung anuman ang mga pangarap nilang
magaganda sa ating mga buhay ay matupad.
At sana ay magtulungan ang bawat isa para sa ikagaganda
ng isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment