Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Target ngayon ng Caticlan jetty port na maabot ang kitang
P300 million para sa taong 2013.
Nabatid na mula kay Caticlan jetty port administrator
Nieven Maquirang na nakalikom na sila ng kabuuang P255 million simula nitong
Enero hanggang Oktubre taong kasalukuyan.
Napag-alaman din na maaari pa itong mabawasan ng mga
operational expenses ng jetty port dahil sa gross income pa lamang nila ang
P255 million na halaga.
Sa ngayon gagamitin naman ng Caticlan jetty port ang kanilang
kita sa ibat-ibang proyekto sa Boracay katulad nang pagpapa-upgrade ng Cagban
jetty port at ilan pang inprastraktura ng nasabing pantalan.
Samantala, tiwala naman ang opisina ng jetty port na
maaabot nila ang kitang tatlong daang milyong piso bago matapos ang taong ito
dahil sa pagdagsa ng turista sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment