Ni
Bert Dalida, YES FM Boracay
Dumalo
kasi ang mga ito sa kanilang annual o taunang retreat sa Iloilo.
Kaugnay
nito, wala munang misa sa ilang bayan o parokya sa Aklan o sakop ng Diocese of
Kalibo.
Ayon
kay dating Holy Rosary Parish Boracay at ngayo’y Lezo (Aklan) Parish Priest Reverend Father Adlai Placer, sa
darating na Biyernes pa sila makakabalik sa kani-kanilang parokya, pagkatapos
ng limang araw na retreat na nagsimula kahapon.
Magkaganon
paman, kinumpirma nito na nasa labing apat na mga pari mula sa pitumpo’t apat
na paring Katoliko ang natira sa Aklan para gampanan ang mga pangangailangan ng
simbahan.
Samantala,
napag-alamang si Father Nonoy Crisostomo ng Holy Rosary parish Boracay ang
naiwan dito, habang ang mga kasama niyang pari sa kumbento ang dumalo sa
nasabing retreat.
Isang
taunang aktibidad para sa mga pari ang nasabing retreat upang pag-ibayuhin ang
kanilang ispiritwal na buhay at pagkakapatiran.
No comments:
Post a Comment