Ni Jay-ar M. Arante, YES FM
Boracay
Nag-enjoy sa pamamasyal ang mga
turista at crew na sakay ng MS Superstar Aquarius sa isla ng Boracay.
Bandang alas 8:55 ng umaga insaktong nag-duck ang nasabing barko sa karagatan ng
Boracay sakay ang 1, 170 na mga turista
kabilang na ang 1, 094 na mga crew.
Bumaba naman ang mga turistang
sakay nito alas 11:00 ng umaga at pumunta sa mga pangunahing tourist
spot sa isla kasama na ang 783 mga crew.
Ikinatuwa naman ng mga ito ang
pamamasyal at pamimili ng mga souvenir items sa loob ng ilang oras gayon din
ang pagkain ng mga Filipino foods sa mga restaurant sa isla.
Nabatid na alas 4:00 ng hapon ay bumalik na ang mga pasahero nito sa barko at alas 8:00 ng gabi ay umalis patungong China.
Samantala, inaasahang babalik
naman ang MS Superstar Aquarius sa buwan ng Abril sa susunod na taon para
bisitahin ulit ang isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment