Ni
Bert Dalida, YES FM Boracay
Tuloy
na mamayang hapon ang naunsyaming awarding ceremony ng BRTF o Boracay
Redevelopment Task Force.
Ito’y
may kaugnayan sa nakatakdang pagbigay ng COC o Certificate of Compliance sa mga establisemyentong lubusang sumunod sa ipinapatupad na 25+5 meter easement sa
isla.
Sinuspende
nitong nagdaang October 9 ang nasabing aktibidad, matapos bigyang prayoridad ng
BRTF ang eskedyul ni Under Secretary Ma. Victoria Jasmin ng Department of
Tourism National at ang kinatawan ni DOT Sec. Ramon Jimenez, na magsisilbing
presentor ng mga sertipiko.
Samantala,
gaganapin mamayang alas kuwatro ng hapon ang program ang task force sa beach
front station 1 Balabag na inaasahang dadaluhan ng iba’t-ibang ahensya at
stakeholders sa isla.
No comments:
Post a Comment