Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naka- heightened alert na rin ngayon ang buong probinsya ng
Aklan para sa posibleng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Western Visayas.
Dahil dito ilang local agencies na ang nagpatawag ng pulong
para paghandaan ang pananalasa ng nasabing bagyo.
Nagpalabas naman ang Pag-asa ng storm signal number one sa
eastern panay kasama ang probinsya ng Aklan.
Kaugnay nito, inalerto na rin ng provincial governor ang lahat
ng mga munisipalidad sa Aklan na maging-alerto at preparado sa pananalasa ng
bagyo.
Samantala, pinangangambahan ngayon ng gobyerno ang posibleng
pagtaas ng tubig baha sa Aklan River sa maaring pagbuhos ng malakas na ulan.
No comments:
Post a Comment