Ni Jay-ar M. Arante, YES FM
Boracay
Itoy’y matapos baklasin ng task
force Boracay ang mga illegal infrastructures at mga tent ng mga ibat-ibang
istablisyementong lumabag sa 25+5 meter easement sa isla.
Maliban dito tinanggal na din ng
mga establishment owners sa front beach ang kanilang mga iniligay na wind
protector bilang pananggalang sa malakas na hangin na dulot ng habagat nitong
mga nakaraang buwan.
Samantala, patuloy namang
tinututukan ng Department of Tourism ang lalong pagpapaganda ng Boracay dahil
sa muling pagbukas ng peak season at posibleng pagdami ng mga turistang dadayo
dito.
Kaugnay nito, tiwala naman ang
DOT na maabot nila ang kanilang target na 1.5 Million tourist sa Boracay bago
matapos ang taong 2013.
No comments:
Post a Comment