Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinayuhan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG)
Boracay ang mga bibiyahe sa isla ng Boracay hinggil sa bagyong Wilma.
Ayon kay Coastguard Boracay Sub-station Commander
Chief Petty Officer Arnel Sulla, dapat manatiling nakatutok sa telebisyon at
radyo ang mga mamamayan para sa mga update at sitwasyon ng bagyo.
Aniya, hindi naman sa hinihingi, pero ano mang oras
at lumakas ang bagyo ay ipapatupad nila ang kanselasyon sa mga byahe ng bangka
papunta at paalis ng isla.
Base kasi sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical
and Astronomical Services Association (PAGASA) nakataas na ang signal number 1
sa Visayas, kabilang na ang: Southern portion ng Negros Occidental, Southern
portion ng Negros Oriental, Southern Cebu, Siquijor, Bohol at Southern Leyte.
Sa Mindanao naman ay umiiral din ang signal number
1 sa: Dinagat Island, Surigao Del Norte, kasama na ang Siargao Island, Surigao
Del Sur, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Misamis Oriental, Misamis
Occidental, Camiguin Island at Zamboanga Del Norte.
Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 180
kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur, kung saan taglay ang lakas
ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at umuusad sa
pangkalahatang direksyon na pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 19
kilometro bawat oras.
Samantala, isa pang bagong bagyo ang binabantayan
ngayon na kung papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay tatawaging
bagyong Yolanda.
No comments:
Post a Comment