Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nagpasalamat si Mayor John Yap kay
Pangulong PNoy, kaugnay sa implementasyon ng Boracay redevelopment.
Sa ginanap na awarding ceremony
para sa mga establisemyentong sumunod sa 25+5 meter easement.
Sinabi ni Mayor Yap na nagpapasalamat
ito, dahil gumawa ng hakbang ang national government upang ayusin ang Boracay
at manatili itong numero sa buong mundo.
Maliban nito, pinasalamatan din
ng alkalde ang lahat ng mga ahensya, stakeholders, at mga indibidwal na
sumuporta at sumunod sa nasabing redevelopment.
Samantala, nasa pitumpong
establisemyento naman ang nakatanggap ng COC o certificate of compliance, maliban
pa sa mga indibidwal na nakatanggap ng award.
No comments:
Post a Comment