Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakatakda nang umupo sa pwesto ang mga nanalong
kandidato sa nakaraang 2013 Barangay Elections sa darating na November 30.
Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig, ito
ay kung nakapag-sumite na ng Sworn Statement of Contribution and Expenditures
(SOCE) ang mga nanalong kandidato.
Aniya, ang oath taking naman ay naka-depende sa
kung kailan at ano ang nakatakdang schedule ng mga kandidato hanggat may
authorized person na mag-aadminister dito.
Kaugnay nito, nanawagan ang COMELEC Officer na
habang maaga pa ay mag-sumite na ng kani-kanilang mga SOCE ang mga nanalong
kandidato dahil sa kung hindi sila nakapag-submit ng mga ito ay hindi rin sila
makaka-upo sa kanilang pwesto.
Samantala, ang pag-file ng SOCE ay nagsimula noong
October 29, 2013 at magtatapos naman sa November 27, 2013.
Dagdag pa ni Cahilig, naibigay narin ang mga notice
sa mga kandidato kaya maaari na rin silang kumuha ng mga forms sa tanggapan ng
COMELEC Malay.
No comments:
Post a Comment