Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hinahanda na ngayon ang mga evacuation center sa isla ng
Boracay para sa paghagupit ng “super typhoon Yolanda”.
Ito ay ang Beth salom, National High School, Mission of
Love, Agapi Red cross at island International School sa baranggay Manoc-manoc.
Sa baranggay Balabag naman ay ang Fairways resort,
Bloomfield Academy, Mt. Luho, Shangrila staff haus, at firing range.
Samantala ang sa baranggay Yapak naman ay ang Ecovillage,
National High School, Elementary school, Grand Vista at Alta vista.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni SB Member Rowen
Aguirre ang lahat ng mga residente na maging handa para sa nasabing bagyo.
Aniya, kailangang maabisuhan ang lahat ng mga nasa prone
areas sa Boracay para sa agarang paglikas kung sakaling manalasa ang bagyong
Yolanda dito sa isla.
Nanawagan din si Malay Mayor John Yap na maghanda ng mga kakailanganin
para sa bagyo katulad ng pagkain, flash light at iba pang importanting bagay.
Sa ngayon naka-heightened alert na rin ang buong lokal
agencies dito para sa inaasahang pagpasok ng super typhoon bukas.
golden goose sneakers
ReplyDeletesupreme hoodie
yeezy 350
off white
kd 12
off white
goyard bag
hermes handbags
off white outlet
golden goose