Kung
sa unang araw ng pagpapatupad ng gun ban ay isa ang napaulat na naaresto sa
Cebu.
Sa
Boracay naman ay walang naiulat na lumabag dahil tahimik ang isla kung sa
pagpapatupad ng “gun ban” lang din naman ang pag-uusapan.
Ito
ang naging pahayag ni Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Fidel Gentallan,
matapos ang unang araw ng pagpapatupad ng “gun ban” sa isla ng Boracay.
Ito’y
may kaugnayan pa rin sa nalalapit na eleksyong pam-barangay na gaganapin sa a
bente otso ng Oktubre ngayong taon.
Nabatid
na bandang ala una y medya inilagay ng mga taga Boracay PNP ang checkpoints
dahil itinama nila ito sa tamang petsa kung anong araw ito ipinatupad.
Anya,
hindi sila naglalagay ng mga checkpoints sa umaga dahil abala ito sa mga motorista
at baka makadagdag pa ng bigat sa daloy ng trapiko.
Bagkus
sa gabi nila ito ginagawa dahil ito ay pang dual purpose.
Ibig
sabihin, hindi lang para sa “gun ban” kundi para rin sa mga masasamang loob
tulad ng mga magnanakaw at kung anu-ano pang mga pasaway.
Samantala
nanawagan naman si Gentallan sa publiko na kung maaari ay makipagtulungan ang
mga tao sa kanilang mga pulisya para sa ikakatahimik ng isla.
No comments:
Post a Comment