Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isang resolution sa SB Malay ang
ipinasa para kay dating Boracay Foundation Incorporated (BFI) President
Loubelle Cann.
Ang nasabing resolution ay bilang
pagkilala sa mga naging kontribusyon at mga magagandang nagawa ni Cann na
naka-ambag sa patuloy na progreso sa isla.
Itinuturing rin ng SB Malay na isa sa
mga naging prime mover ang dating pangulo ng BFI kung saan malaki ang naitulong
hindi lamang sa isla ng Boracay kundi pati narin sa mga mamamayan nito.
Pumanaw si Cann dahil sa sakit na cancer habang ginagamot sa isang ospital sa Maynila.
Samantala, si Cann ay naging pangulo ng
BFI sa loob ng dalawang taon at humigit-kumulang sa sampung taon naman na
naging board of director.
No comments:
Post a Comment