Ni
Gloria Villas, YES FM Boracay
Naniniwala
ang Boracay PNP na walang sindikato na nasa likod ng pamamalimos ng mga bata sa
isla ng Boracay.
Ayon
kay Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Fidel Gentallan.
Base
sa kanilang statistics, hindi kalakihan ang bilang ng mga batang
namamalimos sa isla, kung ikukumpara sa Maynila.
Magkaganon
paman, siniguro pa ni Gentallan na kanilang tinututukan ang bagay na ito.
Samantala,
sinabi pa ni Gentallan na nasa plano narin ng munisipyo ang pag-aksyon dito at
may mga nakahanda ng programa, para mas mapadaling maresolba ang nasabing
problema.
Kailangan
lang aniya nila ng buong kooperasyon ng DSWD at ng iba pang mga ahensya.
No comments:
Post a Comment