Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinababahala ngayon ni Aklan governor Miraflores ang
tungkol sa mga batang nambabato ng mga tourist bus sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Miraflores, ilang beses na siyang nakakatanggap
ng reklamo tungkol dito, kung saan nababasag ang mga bintana ng nasabing mga
sasakyan at natatamaan pa ang mga sakay nito.
Ikinabahala naman ni DOT Boracay Officer in-charge Tim
Ticar ang nasabing balita lalo na at mga turista ang nabibiktima ng mga ito.
Aniya, maaari itong makakaapekto sa turismo ng probinsya
ng Aklan lalo na sa mga pumupunta sa Boracay.
Nabatid na ang mga sakay ng naturang tourist bus ay mula
sa Kalibo International Airport papuntang Boracay para magbakasyon.
No comments:
Post a Comment