Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Reverend Father Edwin Chiu sa kanyang
sermon sa misa kaninang umaga, kaugnay sa umano’y panloloob sa simbahan ng Holy
Rosary Parish Boracay at pagransak sa donation box doon.
Sinira kasi ang kandado nito at ninakaw ng hindi nakilalang
suspek o mga suspek ang perang laman ng nasabing donation box.
Nabatid na nangyari ang panloloob sa simbahan kahapon ng
hapon, matapos mananghalian sina padre Chiu.
Kampante naman ang mga ito na maliit na halaga ng pera
lamang ang nalimas, dahil ilang araw palang nilang binuksan ang donation box at
kinuha ang laman nito upang i-record.
Ikinadismaya naman ng mga parokyano at mga church workers ang nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment