Ni Christy dela Torre, YES FM Boracay
Ngunit ayon kay Malay Comelec
Election Officer II Elma Cahilig.
Hindi pa umano officially masasabing
wala na ngang SK Elections, dahil naghihintay pa umano ang COMELEC ng enactment
law.
At kahit, maisabatas ito,
maghihintay pa umano sila ng rules and regulations na ilalabas ng Commission En
Banc ukol sa naturang usapin.
Kung kaya’t sa ngayon, ayon pa
kay Cahilig, nakatuon ang kanilang atensyon at preparasyon para sa nalalapit na
Brgy. Elections.
Aniya, nakahanda na umano ang
mga COC form na gagamitin para sa pagsisimula ng Filing of Candidacy sa susunod
na linggo.
Magsisimula aniya ang filing of
candidacy sa darating na Oktubre a – onse hanggang a disi-siyete maliban lamang
sa Oktubre a-trese, araw ng linggo.
Hiling lamang ni Cahilig sa
lahat ng magpa-file ng Candidacy na kumpletuhin na ang mga requirements na
kakailanganin nang sa gayon ay hindi magkaroon ng problema sa oras ng filing ng
COC.
Lalo na aniya sa huling araw ng
pag-file, dahil kung sakaling may humabol ngunit hindi kumpleto ang
requirements, hindi na umano nila ito tatanggapin.
Wala din umano kasing dahilan
para ma-late sa pag-file ng COC dahil binigyan ng anim na araw ang mga
aspirante para makapag-file ng COC na matatapos sa itinakdang petsa.
No comments:
Post a Comment