Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay Boracay
DOT Officer In Charge Tim Ticar.
Plantsado na ang
pagdating ng nasabing cruisehip at pag-uusapan nalang sa October 16 ang ilan sa
mga problema na posibleng mangyari.
Magkaganon
paman, umaasa umano sila na magiging matagumpay ang aktibidad na ito.
Ang MS Superstar
Gemini ay may sakay na 1, 100 travelers at mahigit 900 na mga crews na
kinabibilangan ng 350 Filipino.
Dadaong ang
nasabing barko isang kilometro ang layo sa Cagban Port, kung saan
sasakay ng pumpboat ang mga gustong mag-island hopping, habang ang iba ay sasakay
ng van o tricycle para mag-shopping.
Ilan sa mga
pupuntahan nila ay ang isang resort sa station 1, D’mall of Boracay at ilang
souvenir shops.
Samantala, ang pagdating
ng cruise ship sa Oktubre ay alas-sais ng umaga at babalik naman ng Maynila
papuntang Xiamen,China alas-tres ng hapon ng nasabi ring araw.
Sa ngayon ay
handa na rin ang Jetty port Administration sa lahat ng mga pasilidad na
gagamitin para sa pagdating ng MS Superstar Gemini.
No comments:
Post a Comment