Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Mahigit dalawang daang punla ng niyog ang itinanim kanina
sa vegetation area ng boracay.
Ito’y may kaugnayan sa isinagawang re-planting activity
kaninang alas 7 ng umaga sa kooperasyon ng LGU Malay at Boracay Foundation
Incorporated (BFI) sa vegetation area ng So. Angol Barangay Manoc-Manoc, Malay,
Aklan.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ang
iba’t-ibang mga stakeholders, estudyante, mga participantes ng PR National
Congress, Manoc-Manoc Boracay Council at ilan pang mga taga Local Government
Unit.
Ayon kay Mayor John Yap, ito’y malaking tulong sa isla,
lalo na’t ang mga puno ng niyog ay isa sa mga magiging proteksyon kung sakaling
may parating na sama ng panahon, kaya’t nararapat lang na alagaan at panatilihing
maraming halamang nakatanim.
Samantala, malaki naman ang kanyang pasasalamat sa mga
nakibahagi kung saan lumagpas pa sa mga inaasahang dadalo.
No comments:
Post a Comment