Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang nilalaman ng official statement ng mga taga Boracay
Ati community, kaugnay sa pagpatay kay Ati leader Dexter Condez.
Mahigit pitong buwan na kasi ang nakalilipas, subali’t napunta
na lamang umano sa wala ang hustisyang kanilang hinahangad.
Nabatid mula sa face book account ng Ati community na
ibinaba na kahapon ang warrant of arrest para kay Daniel Celestino, ang suspek
sa pagpaslang kay Condez.
Subali’t naniniwala ang mga ito na nagtatago na si
Celestino, kung kaya’t muling nanawagan at umaasa ang mga katutubong ita sa agarang
pagkakaaresto ng suspek.
Matatandaang nangyari ang pagpatay kay Condez nitong
nagdaang Pebrero bente dos, habang naglalakad ito pauwi sa kanilang Village sa
Sitio Lugutan, Manoc-manoc.
Siya rin ang tumatayong spokesman ng mga taga BATO o Boracay
Ati Tribal Organization at nakipaglaban para sa ancestral domain ng mga aeta sa
Boracay.
No comments:
Post a Comment