Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Posibleng gawing venue para sa gaganaping ASEAN Chief
Justice Convention sa 2015 ang isla ng Boracay.
Ito ang masayang ibinalita ni Department of Tourism (DOT)
Boracay Officer in Charge Tim Ticar nang mag-usap umano sila ni Chief Justice
Maria Lourdes Sereno noong nakaraang linggo matapos itong bumisita sa isla.
Ayon kay Ticar, inaasam nila ni Chief Justice Sereno na ang
nabanggit na convention kasama ang Association of Southeast Asian Nations,
ASEAN Law Associations at ASEAN Supreme
Court Justices ay gagawin sa isla.
Dahil dito, plano ngayon ng DOT at ng punong hukom na inspeksyunin
ang iba’t-ibang mga resort at pasilidad sa isla bilang paghahanda sa nasabing
aktibidad.
Samantala, sampung mga bansa naman sa Asya ang inaasahang
dadalo rito na kinabibilangan ng Laos, Vietnam, Brunei Darussalam, Singapore,
Indonesia, Myanmar, Thailand, Cambodia at Pilipinas.
Layunin umano ng nasabing pagpupulong na mapalakas ang
judicial cooperation at mga chief justices sa buong Asya.
No comments:
Post a Comment