Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinatuwa ni DOH Assistance Secretary Enrique A. Tayag
ang pagiging rabies free ng isla ng Boracay.
Itoy’y may kaugnayan sa ipinagdiwang na World rabies day sa buong mundo nitong nakaraang araw ng Sabado.
Itoy’y may kaugnayan sa ipinagdiwang na World rabies day sa buong mundo nitong nakaraang araw ng Sabado.
Nabatid na ang isla ng Boracay ay isa sa mga ideniklara
ng Department of Health (DOH) na rabies free dahil sa magkasunod na tatlong
taon na walang naitalang kaso ng rabies.
Bilang selebrasyon nito ay nagkaroon ng programa sa
Boracay ang ibat-ibang National agencies sa bansa na kinabibilangan ng World Health
Organization (WHO), Department of Interior and Local Government (DILG) Department
of Agriculture at ng Department of Health at iba pang pribadong sektor.
Sa sobra namang pagkatuwa ni Tayag ay naghandog ito ng
ilan sa mga pinauso nitong sayaw sa mga campaign activities kontra sa mga
sakit.
Dito kinalala naman ang Boracay bilang walang naitalang
kaso ng rabies at binigyan ng parangal ang tatlong Baranggay sa isla.
Samantala, ikinatuwa ni Mayor John Yap ang natanggap na
parangal na ito at nangako na hindi niya hahayaang may makapasok na rabies sa
isla.
No comments:
Post a Comment