Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Mag-iisyu parin ang LGU Malay ng mga
special permit para sa mga bars at ibang establisyemento na mag-ooperate ng
lagpas sa 12 mid-night.
Ito ang kinumpirma ni SB Member Rowen
Aguirre, Chairman on Laws/Rules/Ordinances and privileges, kaugnay sa mga
inaasahang pagdagsa ng mga October events sa isla ng Boracay.
Ayon kay Aguiree, wala naman itong
problema hanggat susundin ng mga aplikante ang mga rules and regulations na
nakatakda sa nasabing permit at kung ano ang mga hangganan sa kanilang
operasyon.
Nilinaw din nito na hindi ipinagbabawal
ang paggamit sa vegetation area at pwede ring maglagay ng mga temporary
structures doon hangga’t kasama ito sa special permit na inaplayan.
Samantala, inaasahan namang marami ang
mag-aapply ngayong buwan ng Oktobre ng mga special permits lalo na ang mga
madalas gumamit ng sounds para sa iba’t-ibang mga events na gagawin sa isla.
No comments:
Post a Comment