Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nangako si Malay Mayor John Yap na pananatilihing rabies
free ang Boracay.
Sa selebrasyon ng world rabies day sa isla, sinabi ni
Mayor John Yap na mahirap ang rabies dahil ito’y nakakamatay.
Kung kaya’t hindi umano nila hahayaang makapasok dito ang
mga asong may rabies.
Nabatid na ang isla ng Boracay at Guimaras ang
kauna-unahang lugar sa Western Visayas na kinilalang rabies free.
Samantala, naging panauhing pandangal naman sa nasabing
programa ang iba’t-ibang National Government agencies sa pangunguna ni DOH
Secretary Eric Tayag.
No comments:
Post a Comment