Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Halos ginawa na ng mga kinauukulan ang lahat ng paraan
upang labanan ang problema sa basura sa Boracay.
Katulad na lamang ng istriktong pagpapatupad ng proper
waste segregation o paghihiwalay ng basura, maliban sa inagahan pa ang garbage
collection.
Subali’t perwisyo parin ang mga asong gala sa isla, na
malayang nangangalkal ng basura, partikular sa mga nakabalot na at hahakuting
basura sa gilid ng kalsada.
Sinisira parin kasi ng mga ito ang mga plastic na
lalagyan ng basura kung kaya’t kumakalat ang laman nito at nagdudulot ng pangit
na eksena.
Si Felix, matagal nang nagtatrabaho sa isla bilang sekyu.
Perwisyo din umano para sa kanya ang mga asong gala na
madalas niyang nakakaengkuwentro dahil sa basura.
Samantala, nagpaalala naman ang DOH o Department of
Health tungkol sa pagiging responsabling pet owners, sa ginanap na Rabies-free islands
sa Boracay nitong nagdaang linggo.
No comments:
Post a Comment