Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tinututukan ngayon ng Boracay PNP ang patuloy na
kaso ng nakawan sa isla ng Boracay.
Ayon kay Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector
Fidel Gentallan.
Patuloy silang nagkakaroon ng massive operation at
ilang mga monitoring task force sa isla.
Nagsimula narin kasi ang "ber" months at super peak
season kung kaya’t lalo pa nilang pinalakas ang kanilang puwersa.
May mga naka-standby naring mga pulis na
naka-civilian uniform, at mga secret tourist marshal laban sa mga
mapagsamantala sa isla.
Magkaganonpaman, hinihingi parin ni Gentallan na
maging vigilante ang mga mamamayan, at agad na i-report sa kapulisan ang mga
ganitong kaso.
Nagpapasalamat naman ito na walang anumang
malalaking kaso ng pagnanakaw sa isla.
No comments:
Post a Comment