Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Idiniklarag rabies-free ng Department of Health (DOH) ang
isla ng Boracay at Guimaras bilang pagdiriwang ngayong araw ng World Rabies Day.
Ayon kay Malay Public District Supervisor Jessie S. Flores,
kaninang alas-nuebe ng umaga ay nagsimula ang programa at deklarasyon sa isang
resort sa station 3 convention center na nilahukan ng mga goverment agencies mula
sa Region 6 at ng National agencies.
Ipinahayag umano ni Dr Joji Jiménez, DOH-6 Regional Program
Coordinator na ang mga nasabing isla ay walang naitalang kaso ng rabies sa
dalawang magkasunod na taon.
Nabatid naman na ilan sa mga panauhaing pandangal ay si
DOH Secretary Enrique Ona at si Department of Agriculture Secretary Proceso
Alcala.
Nakatakda sanang dumalo din sa nabanggit na programa si Department
of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ngunit hindi
natuloy dahil sa health problem.
Nagbigay naman ng mensahe ang lahat ng mga panauhing
pandangal sa pangunguna ni Mayor John Yap ng Malay.
Samantala, ang Western Visayas umano ay nakapagtala ng
mababang porsyente ngayong taon ng mga nabiktima ng kagat ng aso.
No comments:
Post a Comment