Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pa-iimbestigahan ng SB Malay ang operasyon ng Land Transportation
office (LTO) sa isla ng Boracay.
Magugunitang sa ginanap na sesyon kahapon sa bayan ng
Malay, sinabi ni SB Member Jupiter Gallenero na nagkaroon ng smoke emission testing
ang LTO para sa mga sasakyan sa isla.
Aniya, bahagi ito ng requirements nila bago ang sasakyan na
ma-registered o ma-renewed.
Pero lumipas na umano ang tatlong buwan at hindi parin
naipapalabas ng LTO ang mga resulta ng mga kumuha ng renewal permit.
Bukod dito, wala naman umanong naging paliwanag ang LTO
kung bakit hindi pa sila nagpapalabas ng resulta hanggang ngayon.
Dagdag pa ni Gallenero na marami ang nagtatanong kung kailan
pa lalabas ang resulta ng ginawang testing sa Boracay dahil kumpleto naman
anila ang kanilang mga kaukulang requirements ng LTO.
Dahil dito magpapadala ang SB Malay ng sulat sa nabanggit
na tanggapan sa bayan ng Kalibo para maipaliwanag kung ano ang dahilan at hanggang
ngayon ay wala pa ang nasabing resulta.
golden goose outlet
ReplyDeletehermes birkin
cheap jordan shoes
Jordan Travis Scott
air jordan
Travis Scott Jordan
kd 15
kd 12
bape hoodie
fear of god essentials