Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ipinatupad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakailan ang "Oplan Kandado" sa Boracay sa pamamagitan ng pansamantalang
pagkakandado ng ilang establisyemento sa isla.
Anim na establisyemento ang naipasara matapos hindi
sumunod sa ipinaguutos ng BIR tungkol sa pagbabayad ng buwis at pagbibigay ng
resibo sa ilalim ng seksyon 115 ng Tax Code of 1997.
Ayon sa BIR – Aklan, kabilang sa mga ipinasara nila
ang dalawang Chinese Restaurant, samantala apat naman ang ipinasara ng
BIR-Region 6 na kinabibilangan ng ilang hotel at Chinese Sea Food Restaurant.
Anila mahirap magpasara ng mga establisyemento sa
kadahilanan na magdudulot ito ng pagtigil ng negosyo at kawalan ng trabaho
subalit kailangan ipatupad ang batas.
Dagdag pa nila na ang ginawang pansamantalang
pagpapasara ng mga establisyemento ay maging isang babala sa lahat ng mga
negosyonte na dapat sumunod sa alintuntunin ng batas tungkol sa pagbabayad ng
buwis kung ayaw nilang sapitin ang parehas na kaparusahan.
Ang 'Oplan Kandado' ay isang programa ng pamahalaan
na humahabol at nagpaparusa sa mga negosyante na hindi nagbabayad ng buwis sa
pamamagitan ng pagsasara ng kanilang mga negosyo.
Samantala, sa ngayon ay patuloy parin sa pag-iikot
ang BIR sa isla para suriin ang ilan pang mga establishments na hindi sumusunod
sa mga batas na kanilang ipinapatupad lalo na ang mga walang sanitation permit.
BIR? Sanitation permits? May proofreader ba kayo...
ReplyDeleteBIR AND Sanitation Permit??? ooops commented already.
ReplyDelete