YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 21, 2013

Mga bagong E-Trike, ibibigay na sa mga nag-apply at pumasa

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ibibigay na ang mga bagong E-Trike sa mga nag-apply at pumasa sa pagkakaroon ng nasabing sasakyan.

Ayon kay Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) General Manager Ryan Tubi, hinahabol na lang umano nila ngayon ang 100 na mga E-Trike galing sa mga iba’t-ibang suppliers, at saka pagbabasehan ang criteria ng LGU Malay kung kanino ibibigay ang unang isang daan.

Samantala, sinabi naman ni Tubi na may permit ng ibinigay ang munisipyo sa kanila kung saan ito ang permit to transport and for trial hanggang sa matapos na maayos ang mga prangkisa.

Nilinaw naman nya na ang unit ng Tojo ay meron nang rehistro sa Land Transportation Office (LTO) kaya matapos ang 15 days na ibinigay sa kanila ay saka naman aayusin ang prangkisa ng sampu pa.

Kapag natapos  umano ang proseso sa Tojo ay may darating namang 20 hanggang 30 units ng mga bagong E-Trike sa loob ng isang buwan.

Samantala, sa susunod na linggo ay darating ang 20 unit ng PROZZA galing Cebu.

Sa ngayon ay meron nang 19 na mga E-Trike ang pumapasada sa isla.

No comments:

Post a Comment